Sumabak noong January 26 sa pagsasanay ang 9 benepisyaryo ng Hog Raising Project (Sentineling) mula sa Barangay Langiran, sa pagtutulungan ng UNAHCO, DCS Trading, Municipal Agriculture Office,Municipal Special Economics Enterprise, Municipal Social Welfare and Development Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., at agriculture consultants.
Naging resource speaker sa naturang pagsasanay si UNAHCO Technical Veterinarian and Hog Specialist, Dr. Bryan Cayad-an, upang bigyan ng karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng baboy ang mga benepisyaryo sa gitna ng pananalasa ng ASF sa Pilipinas. Tinalakay din niya ang Farm Biosecurity upang sa gayon mabawasan ang panganib ng pagpasok ng mga organismo ng sakit at maiwasan ang pagkalat sa isang populasyon ng hayop.
Kasama din sa talakayan ang wastong pagpapakain ng baboy upang sa gayon ang baboy ay mataba at siksik sa laman kapag ito ay ibinenta na sa merkado.
Naging paksa naman ni Agriculture Consultant, Gng. Maricel San Pedro, ang financial plan at tamang pagbabayad ng utang sa nasabing programa.
Natakdang ideliver ang mga baboy sa mga benepisyaryo sa February 2.
[smartslider3 slider=1960]