Mayor Quiambao, Isinulong ang Mangabul Bill sa Senate Committee Hearing

Noong January 11, tahasang isinulong si Mayor Cezar Quiambao ang pagpasa sa Mangabul Land Conversion Bill, sa isang virtual Senate Environment Committee Hearing kung saan si Senadora Cynthia Villar ang naging presider. Kasama ni Mayor Quiambao ang lahat ng miyembro ng Task Force Mangabul at representante ng mga apektadong magsasaka sa pangunguna ni San Vicente Punong Barangay Crisostomo Bato.

Ang version ng Mangabul Land Conversion Bill sa Senado o S.B. 1961, na inakda nina Sen. Miguel Zubiri at Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ay naglalayong ma-reclassify bilang isang agricultural land ang bahagi ng Mangabul Reservation sa Brgy. San Gabriel II na naging malawak na lupang sakahan matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991.

Sinabi ni Sen. Villar na ang proposed land conversion bill ay magsusulong sa kapakanan ng mga magsasakang matagal nang nananakahan sa lugar, ngunit kailangan itong balansehin dahil sa geohazard risks at mga umiiral na batas ukol sa kalikasan, ayon na rin sa rekomendasyon ng DENR sa naturang committee-level hearing.

[smartslider3 slider=1933]