Noong January 12, muling nagsagawa ang mga national agencies at LGU offices ng tinaguriang “Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Towards National Recovery” sa Brgy. Hermoza. Dito ay nagtulung-tulong ang PNP, BFP, MDRRMO, RHU 1, Agriculture Office, at ang Lingkod Bayan Advocacy Support Group na kinabibilangan ng barangay officials, barangay force multipliers, LGBTQI Association, at barangay women’s group. Layunin ng aktibidad na maipakita ang tagumpay ng administrasyong Duterte at maghatid ng kaginhawahan sa mga Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng pagdadala ng mga serbisyo ng mga pambansang ahensya sa komunidad sa gitna ng pandemya.
[smartslider3 slider=1932]