Mga mangingisda, nag-training ukol sa pag-alaga ng African hito
Patuloy ang administrasyong Quiambao-Sabangan sa pagbuhay ng inland fisheries sa mga barangay at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga lokal na mangingisda na magkaroon ng mas malaking kita.
Noong Oktubre 13, 2021 sa Brgy. Reynado ay nag-organisa ang Municipal Agriculture Office ng training para sa mga fisherfolk sa pag-aalaga ng African hito. Ang training ay matagumpay na naisagawa sa kolaborasyon ng pribadong sektor kabilang ang Feedmix Specialist, Inc. at Hito Central Philippines.
Bukod sa kaalaman na kanilang naibahagi, ang Feedmix Specialist, Inc. ay namigay rin ng freebies sa mga mangingisda katulad ng sweatshirt, face mask, at feed rate chart para sa feeding management ng African hito.
[smartslider3 slider=1796]