LGU, patuloy na umaaksyon para maiwasan ang malnutrisyon
Sinimulan ng Municipal Nutrition Action Office ang pag-distribute ng food packs para sa mga bata na 6-59 months old bilang parte ng mandato ng opisina na pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang Bayambangueño.
Oktubre 18, 2021 nang nagsimulang lumibot sa iba’t ibang barangay ang MNAO upang ipamahagi ang food packs na naglalaman ng prutas, gulay, bigas, vegetable oil, assorted bread, brown sugar, at fresh eggs. Nasa 500 na undernourished na bata mula sa 47 barangays ang target na mabigyan ng food packs ng opisina.
Ang pamimigay ng food packs ay programa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang na taun-taong isinasagawa upang masiguro ang mabuting nutrisyon ng mga kabataan lalo na sa panahon ng pandemya. Ito rin ay alinsunod rin sa Annual Investment Plan at National Dietary Supplementation Program ng gobyerno.
[smartslider3 slider=1796]