Komprehensibong Serbisyo: Sa Pangdel (District 4) Naman


Dinala ng Municipio ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Barangay Pangdel sa District 4 sa ika-12 ng Agosto upang silbihan ang mga mamamayan ng Pangdel, Apalen, Tatarac, Dusoc, Darawey, at Carungay.

Malugod na sinalubong ni Pangdel Punong Barangay Onofre P. Romano ang mga taga-bayan sampu ng iba pang PBs ng District 4, partikular na ang PBs ng Tatarac (PB Guillermo M. Gabriel), Apalen (PB Jephrey Arizo), Darawey (PB Fidel F. Pardales) at Carungay (PB Virgilio T. Romano). Dahil sa Pangdel Elementary School ang venue, kabilang din si Principal Virgie Albano sa mga sumalubong.

Kabilang sa mga pinakamataas na pinunong dumating ay walang iba kundi si Mayor Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor Raul S. Sabangan, Councilor Amory Junio, Councilor Martin Terrado, Councilor Mylvin ‘Boying’ Junio, at ang iba’t-ibang Department Heads.

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ni Vice-Mayor Sabangan na ang Komprehensibong Serbisyo ay ang katuparan ng naipangako ng Team Quiambao-Sabangan noong eleksiyon na dalhin ang Municipio sa mga malalayong barangay upang ang mga tao rito ay huwag nang magpunta pa at makipagsiksikan sa bayan.

Medical missions

Sinamantala naman ni Mayor Quiambao ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga kababayan sa Pangdel dahil sa kanilang mainit na pagsuporta nuong nakaraang halalan. Ipinaliwanag niyang dahil sa laki ng Bayambang, na kung saan 77 ang mga barangay, mahirap itong pagsilbihan, kaya’t minarapat ng Quiambao-Sabangan administration na magkaroon ng Komprehensibong Serbisyo kada distrito kada buwan sa loob ng isang taon.

Sinamantala rin niya ang pagkakataon upang ianunsiyo ang pagdating ng mga bagong medical missions sa bayan mula sa Amerika. “Marami sa inyo ang may mga pangangailangan, lalo na sa tulong medikal,” ani Quiambao. “Kaya kung kailangan niyo ng major na tulong like operation, magpalista na kayo sa RHU 1 at RHU 2 dahil sa darating na Pebrero 3-9, magkakaroon ng medical mission sa Bayambang ang Philippine-American Medical Association of Pennsylvania.”

“Pagdating naman ng Oktubre, magkakaroon ulit ng isa pang medical mission.”

“Ang LGU ay tumutulong sa mga medical missions na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng board and lodging at transportation para sa [mga kabilang sa misyon], dagdag ni Quiambao”

Zero 4Ps by 2028

Inulit din ni Mayor Quiambao ang kanyang nauna nang panawagan upang magtulong-tulong ang lahat kontra kahirapan. Inilahad niya ang napagkasunduan noong July 28 sa pagitan niya at ng Municipal Advisory Council na pinangungunahan ng MSWDO at Municipal Link/DSWD Regional Office 1 kasama na ang RHU and DA: umpisa sa taong 2018, ang bilang ng 4Ps sa Bayambang ay babawasan ng 10% kada taon hanggang ang Bayambang ay wala nang 4Ps sa taong 2028. Sa kasalukuyan, ang Bayambang ay may mahigit na 6,000 miyembro.
Sa pagwawakas ng pambungad na programa, ipinaalala naman ni Local Civil Registrar Ismael ‘Jojo’ Malicdem Jr. kung anu-ano ang mga serbisyong libre at serbisyong nangangailangan ng bayad sa Komprehensibong Serbisyo.

Libre:

Medical services
Dental services
Cow vaccination
Seed distribution
Issuance of Senior Citizen ID card
Issuance of Person with Disability card
Issuance of Solo Parent ID card
Haircut (Gupit)
Registration for livelihood training sa Kasama Kita sa Barangay Foundation
Application for birth registration
Application for community service card

May bayad:

Pagbayad ng amilyar
Pagbili ng sedula
Pagbayad ng land tax
Pagbayad ng business tax
Pagbayad ng tricycle fees
Pagrehistro ng baka (cattle)

Dagdag pa ni Malicdem, kabilang sa mga bagong serbisyong alay ng Komprehensibo ay ang pagbibigay ng PNP-Bayambang ng police clearance (may bayad din po ito), pagdala ng kanilang police blotter, at pagkakaroon ng Community Service Desk para sa anumang katanungan at request hinggil sa peace and order issues.
Matatandaang ang Municipio ay dinala na sa mga sumusunod na barangay ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan: Warding (Dist. 1), Manambong Sur (2A), Bongato East (2B), Pantol (2C), Amancosiling Sur (3A), Sancagulis (3B).

Ang Komprehensibo naman sa Pangdel ay nakapagrehistro ng mula 900 hanggang 1,000 benepisyaryo (marami sa nagpunta ang hindi nakapagrehistro). Samakatwid, ayon sa pinakahuling datos, at least 5,459 na ang bilang ng mga rehistradong benepisyaryo ng Komprehensibong Serbisyo para sa Bayan.

[smartslider3 slider=227]

Warding: 950
Manambong Sur: 739
Bongato East: 579
Pantol: 554
Amancosiling Sur: 950
Sancagulis: 787
Pangdel: 900
TOTAL as of August 2017: 5,459 beneficiaries

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *