Noong October 1, nag-umpisa nang magbukas ang Bayambang Commercial Strip matapos magbalik sa operasyon ang mga stall owners na dating umuukopa sa L-Building ng Public Market. Ayon sa Special Economic Enterprise, natapos na ang kontrata ng mga stall owners sa L-Building at bilang konsiderasyon sa kanila, sila ay binigyan ng reservation sa Commercial Strip nang mayroong right to first refusal. Kasalukuyan namang ginigiba ang L-Building upang magbigay-daan sa isang parking lot at makatulong i-decongest ang sentro ng bayan lalo na sa paligid ng Munisipyo at Balon Bayambang Events Center.
[smartslider3 slider=1239]