Noong October 27, inilunsad ni Mayor Cezar Quiambao ang Community-Based Distant Learning Enhancement Program sa Brgy. Inanlorenza Covered Court. Ito ay dinaluhan ng halos 200 na mag-aaaral sa Tanolong at Inanlorenza. Ang programa ay dagdag-tulong ng LGU sa DepEd upang magkaroon ng face-to-face learning na may social distancing sa panahon ng pandemya. Naroon upang magpakita ng pagsuporta sina Vice Mayor Raul Sabangan, Councilor Mylvin Junio, Dra. Paz Vallo, Bayambang Public Schools District Supervisors, t Tanolong at Inanlorenza Barangay Captains. Ang launching ay inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team.
[smartslider3 slider=1238]