Pinulong ni Human Resources Management Officer Nora Zafra ang mga staff ng Solid Waste Management Office noong October 14 sa Events Center upang talakayin ang mga problemang madalas maengkwentro ng HR sa paghahanda ng kanilang payroll. Sa pagpupulong ay isinabay ni Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, ang pagtalakay ng health protocols sa solid waste disposal kabilang ang COVID waste materials. Pagkatapos ay tinalakay naman ni PNP-Bayambang Chief PLtCol Norman Florentino ang “Awareness on How to Resist Use of Tobacco, Alcohol and Illegal Drugs,” bilang pagtalima sa Civil Service Commission Memorandum Circular.
[smartslider3 slider=1222]