Sa ngalan ni Mayor Quiambao ay dumalo si Vice-Mayor Raul Sabangan sa “Cascading of KaSimbaYanan” Program ng PNP noong October 14 sa Events Center. Layunin ng KaSimbaYanan o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan Tungo sa Kaunlaran program na mas lalo pang mapaigting ang ugnayan ng kapulisan sa mga simbahan upang makatulong sa moral recovery program ng kapulisan at pati na rin ng buong pamayanan. Naroon si PNP-Bayambang Chief, PLtCol Norman Florentino, kasama ang personnel mula sa Police Provincial Office, at imbitado naman ang iba’t-ibang religious leaders, mga Punong Barangay, at CVOs.
[smartslider3 slider=1221]