PNP Contact Tracing Seminar

Mayor CTQ, RHU Heads at Staff, Umattend sa Contact Tracing Seminar ng PNP

Noong August 20, umattend si Mayor Cezar Quiambao kasama ang mga hepe, municipal health officers, at nurses ng ikatlong distrito ng Pangasinan sa “Cascading on Contact Tracing” seminar na ibinigay ng PNP sa Niña’s Café.

Doon ay ipinaliwanag ni PNP-Bayambang Chief PLtCol Norman Florentino ang Magalong model of contact tracing sa mga Chief of Police at Municipal Health Officers ng 3rd congressional district ng Pangasinan na kinabibilangan ng Bayambang, Malasiqui, Calasiao, Sta. Barbara, Mapandan at San Carlos City.

Kabilang sa mga participants sina PLtCol Marceliano Desamito Jr., Dra. Paz Vallo, Dra. Adrienne Estrada, kanilang staff, at mga Nurse Deployment Program personnel ng Department of Health.

Ang Magalong model ay nakabase sa sistema ng COVID-19 contact tracing na nadevelop ni Baguio City Mayor at retired police officer Benjamin Magalong.

Si PLtCol Florentino ay siya ring supervisor ng 3rd congressional district ng Pangasinan Provincial Police Office.

Natalakay sa seminar ang mga epektibong istratehiya kung paano isagawa ang contact tracing sa ating bayan. Kung masusunod ang mga istratehiyang ito ay maiiwasan natin na makahawa ang isang taong apektado na ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

[smartslider3 slider=1156]