High-Quality Palay para sa RiceBIS Farmers, Dumating
Noong August 20 ay dumating ang mga palay seeds para sa mga magsasakang kasapi sa pilot RiceBIS Community Development Program ng PhilRice sa bayan ng Bayambang. Ayon sa Municipal Agriculture Office, nakatakdang ipamahagi ang mga naturang palay sa unang linggo ng Setyembre.
May 242 bags ng high-quality inbred seeds mula sa Central Experiment Station ng PhilRice sa Nueva Ecija sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP) nito:
NSIC Rc 480 – 82 bags at 20 kg
NSIC Rc 222 – 80 bags at 20 kg
NSIC Rc 216 – 18 bags at 20 kg
NSIC Rc 160 – 62 bags at 20 kg
Ito ay upang masiguro na may nakahanda nang binhi ng palay ang mga naturang magsasaka na siya nilang itatanim para sa dry season.
[smartslider3 slider=1157]