Noong August 7, nagsagawa ng spot inspection ang Bayambang Municipal Police Station sa pamamahala ni OIC Chief Norman Florentino sa Central Bus Terminal upang masiguro na sumusunod sa minimum public health standards ang mga operator at pasahero ng mga pampublikong sasakyan. Kasabay nito ay pinaalalahanan ang lahat ukol sa full implementation ng batas sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon simula Agosto a-kinse (15).
[smartslider3 slider=1139]