Mga Bagong Cattle Growers, Dumalo sa Pre-Registration Seminar ng CDA at MCDO
Noong July 15, isang Pre-Registration Seminar ang isinagawa nina Sheryl Lou M. Fabia ng Cooperative Development Authority-Dagupan at Albert Lapurga ng Municipal Cooperative Development Office, upang tulungang bumuo ng isang kooperatiba ang mga benepisyaryo ng cattle distribution ng Department of Agriculture bilang kapalit ng nawalang kabuhayan dahil sa ASF o African Swine Fever.
Ginanap ang seminar sa Brgy. Carungay Covered Court, ang bubuuing kooperatiba ay pinangalanang Rancheros de Balon Bayambang.
Naroon si Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., upang maghatid ng inspirasyunal na mensahe, at nagbigay-diin sa halaga ng pagtatatag ng isang kooperatiba. “Lahat ng pangarap ay nag uumpisa sa pinakaunang hakbang,” aniya.
Naroon din sina Municipal Veterinarian, Dr. Joselito P. Rosario, at ASF Incident Commander Designate/Paralegal Officer, Germaine Lee A. Orcino.
[smartslider3 slider=1101]