Jeepney operations, itutuloy na
Ininspeksyon ni Municipal Planning and Development Officer Malene S. Torio at Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo, kasama si Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, ang labinlimang (15) jeepney na nabigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa rutang Bayambang-Basista-San Carlos City-Calasiao-Dagupan City. Simula sa susunod na linggo ay babyahe na ang mga jeep na may plate number na mga sumusunod:
AVV 323
AVY 231
AVR 914
AVX 781
AVN 159
AVY 804
AVS 354
AVP 993
AVU 761
AVZ 131
AVU 787
AVJ 550
AVJ 272
NXR 914
AVZ 873
Dahil kinakailangang mag-physical distancing ay walo hanggang sampung (8-10) pasahero lamang ang maaaring sumakay sa isang jeep. Point-to-point din ang byahe ng mga ito. Ibig sabihin, sa terminal lamang maaaring sumakay ang sinumang pasahero upang mas mapadali ang paglagda sa contact tracing form. Magkakaroon ng byahe hanggang 6PM araw-araw.
Siniguro ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang na kumpleto ang mga jeepney sa physical distancing markers at iba pang mga kagamitan katulad ng thermal scanners, footbaths, contact tracing forms, at alcohol para sa kaligtasan ng lahat ng sasakay. Samantala, ipinagbabawal ang pagsakay ng mga pasahero na may temperatura na 38 degrees pataas, walang facemask, at hindi sumusunod sa physical distancing.
Nakikipag-coordinate na lamang ang Bayambang-Basista-San Carlos (BABASAC) Transport Cooperative sa mga bayan na madaraanan. Inaayos na rin nila ang fare matrix para alam ng lahat kung magkano ang pamasahe sa bawat destinasyon. Pagkatapos nito ay magsisimula nang bumyahe ang mga jeep para mapadali ang pag-byahe ng mga Bayambangueño.
[smartslider3 slider=1086]