MGCQ Guidelines, Mahigpit pa ring Ipinatutupad

PAALALA SA LAHAT: MGCQ Guidelines, Mahigpit pa ring Ipinatutupad; Mga Lumalabag, Hinuhuli

Noong July 7, limampu’t limang (55) mga menor de edad ang hinuli ng Bayambang Municipal Police Station, sa pangunguna ni PLt. Col. Norman T. Florentino, dahil sa paglabag sa curfew at sa public health standards na ibinigay ng Department of Health. Ipinaalala sa mga kabatan na ipinagbabawal pa rin sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang paglabas ng mga kabataan na edad 21 pababa at mga senior citizen na may edad 60 pataas, at kasalukuyan pa ring ipinatutupad ang curfew para sa mga non-workers mula 8PM hanggang 5AM.

Kabilang sa mga hinuli ang labing-apat (14) na adults na walang suot na face mask, hindi sumusunod sa physical distancing, at mga nakaangkas sa motorsiklo.

Dinala sa Balon Bayambang Events Center ang lahat ng nahuli upang makinig sa isang lecture mula kay PSSg. Vina C. de Leon ng PNP-Bayambang at Municipal Social Welfare and Development Officer Kimberly P. Basco. Ayon sa MSWDO, gagawing tuluy-tuloy ang intervention program na ito at imomonitor ng kanilang opisina katulong ang mga barangay officials.

Samantala, ipinatawag rin ang mga magulang ng mga kabataang nahuli at sila rin ay isinailalim sa counseling. Katuwang rin sila ng MSWDO sa pagsiguro na natututo mula sa intervention program ang kanilang mga anak.

Patuloy ang paghihigpit ng munisipyo at ng PNP-Bayambang dahil wala pang gamot o vaccine laban sa COVID-19. Inaasahan ang pagsunod sa mga inilabas na guidelines para sa kaligtasan ng lahat ng Bayambangueño.

 

[smartslider3 slider=1087]