RHU 1 at 2, Bukas na para sa Teleconsultation

Tumatanggap na ng Medical, Maternal, at Dental Consultation via teleconsultation ang Rural Health Unit 1 at 2 sa pangunguna ni Dr. Paz F. Vallo at Dr. Adrienne Estrada. Ito ay para sa mga Bayambangueño na may iniindang sakit na kailangan ng agarang konsultasyon. Isa ito sa karagdagang paraan ng LGU para patuloy na mabigyan ng serbisyo ang mga Bayambangueño.