MDRRMO, Rumisponde sa Insidente ng Ipo-Ipo

Rumisponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa isang insidente ng ipo-ipo sa Brgy. Manambong Parte na nanalasa sa kabahayan at kabukiran doon noong gabi ng April 27. Ayon by MDRRM Officer Genevieve U. Benebe, ang 17 na kabahayan na apektado ng ipo-ipo ay binigyan ng relief packs ng MDRRMO sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office. Nakatakda ring bumisita ang lokal na Agriculture Office doon upang gumawa ng damage assessment sa mga pananim.

 

[smartslider3 slider=1020]