CDC, CDW Accreditation Results

Resulta ng CDC/CDW Accreditation, Lumabas Na

Lumabas na ang resulta ng Accreditation Assessment ng mga Child Development Centers (CDCs) at Child Development Workers (CDWs) sa Bayambang ng DSWD Field Office Region 1 noong October 4-6, 2019.

Ayon sa report ng Child Development Focal Person na si Marvin P. Bautista, “47 out of 49 CDCs/CDWs tested” ang pumasa sa accreditation.

Ang Bayambang ay may 73 CDCs at 75 CDWs sa kasalukuyan. Ang natitirang 26 CDCs/CDWs ay dati pang accredited at hindi pa nag-eexpire ang accreditation, paliwanag si Bautista.

 

[smartslider3 slider=950]