Co-ops, Assisted in Making Financial Statements

MCDO, Inasistehan ang mga Co-op sa Kanilang Financial Statement

Noong February 18 ay inasistehan ng Municipal Cooperative Development Office sa Municipal Conference Room ang iba’t-ibang kooperatiba sa pag-accomplish ng kanilang annual financial statements, kasama sina Cooperative Development Authority-Dagupan officer Sheryl Lou Fabia at Caselyn Generalao.

Kabilang sa mga inasistehan ay ang Pantol Modern Agriculture Cooperative, Masagana SLP Producers Cooperative, Tampog Farmers Agricultural Cooperative, at Brgy. Paragos Agricultural Cooperative.

Ayon sa MCDO, ang annual financial statement ay isa sa mga initial requirements mula sa isang kooperatiba para sa submission ng kanilang mandatory report sa CDA office.

Noong February 14 naman ay nag-conduct ang MCDO ng isang Pre-Membership Education Seminar sa Brgy. Telbang para sa mga bagong myembro ng Markaz Nihmah Consumers Cooperative.

[smartslider3 slider=949]