Bagong Coin Series, Iprinisenta ng Bangko Sentral
Iprinisenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)-Pangasinan ang bagong coin series ng BSP sa Balon Bayambang Events Center noong ika-10 ng Pebrero.
Ang seminar ay dinaluhan ng 77 Punong Barangay at Barangay Treasurer.
Naroon si Senior Research Specialist Gomer C. Gomez ng BSP Dagupan, kasama si BSP Dagupan staff, Raul F. Urbano upang ipaliwanag ang ukol sa New Generation Currency (NGC) Coin Series.
Layunin nito na magbigay-kaalaman sa magiging anyo ng mga bagong P20 at P5 coins.
[smartslider3 slider=938]