CME Nagpatuloy

CME, Nagpatuloy

Muling nagkaroon ng Continuing Medical Education (CME) Seminar para sa mga medical professional sa Niña’s Cafe noong ika-7 ng Pebrero 2020. Sa pagkakataong ito ay si Dr. Juan “Jim” Sanchez ang nanguna sa diskusyon na pinamagatang “Maintaining Good Health: How I Do It!” Ito ay dinaluhan ng mga representante mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at Bayambang District Hospital, at mga doktor mula sa iba’t ibang bayan.

Si Dr. Sanchez ang namumuno sa grupo na nagpapatakbo ng Hospital on Wheels kung saan ginanap ang ilang mga major surgery noong nagkaroon ng Medical, Dental, Surgical, & Optical Mission ang Philippine Medical Association in Chicago dito sa Bayambang.

 

[smartslider3 slider=937]