Oplan Iwas Putok 2019

PNP, Inilunsad ang Oplan Iwas Putok 2019

Noong December 16 ay naglunsad ang Bayambang Municipal Police Station sa pamumuno ni Chief of Police, PLtCol. Marceliano A. Desamito Jr., ng Oplan Iwas Putok para sa taong ito bilang pagtalima sa simultaneous launching directive ng Pangasinan Police Provincial Office.

Ito ay nagsimula sa harapan ng Police Station at dinaluhan ng mga empleyado ng LGU, Bureau of Fire Protection, Public Order and Safety Office, mga Punong Barangay, at mga miyembro ng Riders Intelligence Network ng Bayambang.

Upang mas lalong maipalaganap ang pag-iwas sa paggamit ng mapaminsalang paputok ngayong Bagong Taon sa buong bayan, isang motorcade ang idinaos mula Police Station patungong Brgy. Tampog boundary, Brgy. Nalsian Norte boundary, Brgy. Zone IV Junction, Barangay Malimpec boundary, Brgy. Bical Norte, at pabalik ng istasyon.

 

[smartslider3 slider=882]