Oplan Harabas, Nasa Phase 2 Na
Ang Phase 2 ng Oplan Harabas ay kasalukuyang iniimplementa sa Manambong Parte.
Ang proyekto, na may temang “Integrasyon sa Pagsisibuyas, Mataas na Ani ay Makakamtan,” ay isang grant mula sa Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1, at naglalayong makatulong sa mga nasalanta ng armyworm infestation noong nakaraang taon.
Ang project ay base sa tinatawag na roll-over scheme, na kung saan ang mga miyembro ng Manambong Parte Farmers Association ay nakatakdang magbayad sa kanilang asosasyon para sa nakuhang benepisyo matapos makapag-ani ang mga ito.
Kabilang sa kanilang mga natanggap ay onion seeds, propineb (protectant foliar-applied fungicide), at Bacillus thuringiensis (biological pesticide).
[smartslider3 slider=835]