ibreng Massage, Atbp. sa Araw ng mga Empleyado
Bilang parte ng pagdiriwang ng 119th founding anniversary ng Philippine Civil Service, nagdaos ng Employee Day at Personality Development Seminar ang Human Resource Management Office (HRMO) noong ika-23 ng Setyembre sa Balon Bayambang Events Center.
Nagkaroon ng libreng pampering services tulad ng haircut, facial, massage, manicure at pedicure, ear candling, at biolaser therapy.
Sa pambukas na mensahe ni HRMO head Nora Zafra sa espesyal na araw, sinabi niyang mahalaga sa empleyado ang magkaroon ng ganitong oportunidad upang mag-relax at madagdagan ang kaalaman ukol sa personality development.
Naroon din sina Supervising Labor and Employment Officer Dr. Joel Cayabyab at Kasama Kita sa Barangay Foundation Executive Director Romyl Junio upang magbigay-inspirasyon. Pagbati ni Junio: “Masayang suportahan ang bawat proyekto ng LGU Bayambang lalo na at makakatulong sa pag-angat ng inyong mga buhay. Napakapalad niyong mga empleyado dahil binigyan kayo ng ganitong pagkakataon. Sana kayo ay masiyahan at bigyang halaga ninyo ang kaalamang matutunan nang mai-apply sa inyong sarili.”
Si Pangasinan State University-San Carlos Campus Executive Director, Dr. Marie Claire Briones, ang nagsilbing resource speaker sa Personality Development Seminar.
[smartslider3 slider=754]