Employee Wellness Program, Inilunsad

Wellness Program para LGU Employees, Inilunsad

Naglunsad ng wellness program ang lokal na pamahalaan ng Bayambang bilang parte ng mga proyekto ng administrasyong Quiambao-Sabangan na nagsisiguro ng kabuuang kaunlaran ng mga empleyado ng munisipyo. Ang Work Out and Work Well Wellness Program na sinimulan sa pangunguna ng Human Resources Management Office, at sa pakikipagtulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, Bayambang Association of Bodybuilding Enthusiasts, Municipal Physical Fitness and Sports Development Council, Rural Health Unit at Municipal Nutrition Action Office, ay naglalayong siguruhin ang kalusugan ng mga opisyal at empleyado upang sila ay maging mas masipag at ganado sa trabaho. Ito ay gaganapin sa Balon Bayambang Events Center tuwing hapon ng Martes at Huwebes mula ika-24 ng Setyembre hanggang ika-19 ng Disyembre.

 

[smartslider3 slider=753]