Alay Dugtong-Buhay
“Giving blood saves lives and promotes health.”
Matagumpay na naman ang naganap na Blood Donation Drive sa Balon Bayambang Events Center noong ika-16 ng Setyembre.
Sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross, ito ay inorganisa ng Rural Health Unit I at II
kasama ang Rotary Club of Bayambang, Local Council of Women, at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., na siyang nagpamahagi ng libreng pagkain at T-shirt sa mga blood donors.
Layunin ng bloodletting drive na makatulong na madugtungan ang buhay ng mga pasyenteng may matinding pangangailangan sa dugo.
Nakakaigi rin ang pagdodonate ng dugo sa kalusugan ng donor sa iba’t-ibang paraan.
Ayon sa record ng RHU I at II, may 202 bag ng dugo ang nakuha mula sa mga qualified donors.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng RHU I at II sa lahat ng boluntaryong tumugon sa kanilang panawagan. “Kayo po ay mga bayani!” anila.
[smartslider3 slider=746]