TUPAD Beneficiaries, Tinanggap na ang Bayad mula sa DOLE
Natanggap na ng mga TUPAD beneficiaries ang kanilang bayad mula sa Department of Labor and Employment matapos ang 10 araw na pagtatrabaho sa ilalim ng programa ng ahensya.
Naroon sina Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. at Migrant Desk Officer Gerenerio Q. Rosales at staff nito sa Municpal Conference Hall noong Setyembre 16 upang saksihan ang turnover ng DOLE ng payment na P3,400 kada beneficiary.
Ang TUPAD Program ng DOLE ay para sa mga trabahador na biglaang nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga di inaasahan tulad ng kalamidad.
Matatandaang ang mga benepisyaryong ito ay mga magsasakang taga-Brgy. Carungay, Tampog, Bongato East at Bongato West na nag-apply sa programa matapos masalanta ng Bagyong Ompong noong taong Setyembre ng 2018.
[smartslider3 slider=744]