MAO, Naglagay ng Checkpoint sa San Vicente
Kasalukuyang mayroong checkpoint ang Municipal Agriculture Office sa Barangay San Vicente. Nagsimula silang magkaroon ng checkpoint noong ika-3 ng Septyembre upang masiguro na hindi makakapasok sa Bayambang ang laganap ngayon na African Swine Fever. Isa ito sa mga paraan ng munisipyo sa pagsiguro na ligtas ang mga alaga ng mga Bayambangueño at protektahan ang kanilang mga kabuhayan.
[smartslider3 slider=737]