Orientation on NNC Livelihood Project

Orientation sa ECCD F1K Livelihood Project 2019, Inilunsad ng Nutrition Office

Nagkaroon ng oryentasyon ang mga Pantawid Pamilya members na may mga 0-23 month-old na anak ukol sa 2019 Livelihood Project (Fish Processing Training) ng National Nutrition Council na nakapaloob sa Early Childhood Care and Development in the 1st 1000 Days (ECCD-F1K) Program nito. Ito ay ginanap noong Setyembre 13 sa 3rd Floor ng Royal Mall.

Sa pagbubukas ng programa ay buong pusong sinalubong ang mga kalahok ng Lokal na Pamahalaan na pinangunahan ni Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairman, Dr. Joel T. Cayabyab. Nilinaw naman ni Municipal Nutrition Action Officer, Venus M. Bueno, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman para magkaroon ng magtagumpay na negosyo at matustusan ng tama ang kanilang pangangailangang pangnutrisyon.

Para mas lalong maunawaan ng mga lumahok sa oryentasyon ang kahalagahan ng pagnenegosyo at kung ano ang mga dapat tandaan, nag-imbita rin ang Nutrition Section ng LGU Bayambang ng ilang batikang speakers. Naroon sina Bianca Fiona Cuenca na tumalakay sa “Basic Entrepreneurship” at Danilo Rebamontan na tumalakay naman sa “Food Sanitation and Hygiene.”

Naroon din si Municipal Social Welfare and Development Officer Lerma Padagas upang tumulong hikayatin ang mga lumahok sa pagnenegosyo habang tinutugunan ang kanilang kalusugan.

[smartslider3 slider=735]