Grupo ng Bodybuilders, Nagbigay Saya sa mga Miyembro ng STAC

Isang grupo ng local bodybuilders ang nagbigay-saya sa mga miyembro ng Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC) ng Bayambang noong ika-18 ng Disyembre sa Balon Bayambang Events Center.

Ang grupo na may pangalang Bayambang Association of Bodybuilding Enthusiasts o BABE ay pinamumunuan ni Mr. Kristoffer Go Sy.

Ayon kay BABE member at Deputy Head ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, ang proyektong ito ay parte ng plano ng LGU na hikayatin ang mga civil society organizations na tumulong sa sektor ng mga kabataang may iba’t-ibang disabilities.

[smartslider3 slider=461]