BPRAT Nagprisinta ng Kanilang 2018 Year-End Report

Sa pagtatapos ng taong 2018, nasaan na nga ba ang ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan?

Ang katanungang ito ay binigyan ng detalyadong kasagutan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) noong ika-12 ng Disyembre sa Balon Bayambang Events Center.

Sa pangunguna ni Municipal Administrator-Anti-Poverty Office Atty. Rodelynn Rajini A. Sagarino-Vidad, isa-isang tinalakay ng limang focal persons ang mga accomplishments ng LGU kasama ang lahat ng national agencies at basic sectors.

Naroon sa pulong sina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, mga Konsehal, department heads, representante ng mga national agencies, at iba’t-ibang kinatawan mula sa pribadong sector.

Sa mahabang daang tinahak ng BPRAT, at sa pamamagitan ng multisectoral convergence, maraming pangyayari ang naganap at maraming aral ang natutunan. Ang mga pinakamahalaga rito, ayon na rin sa mga adhikaing nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Plan para sa taong 2018, ay inilahad nina Angelica Andrea Garcia, focal person para sa Agricultural Modernization; Valentine Garcia, para sa Socio-Cultural Development and Social Protection; Johnson Abalos para sa Environmental Protection and Disaster Resiliency; Atty. Sagarino-Vidad para sa Economic and Infrastructure Development; at Dr. Joel Cayabyab para sa Good Governance.

Kabilang sa mga pinakamalalaking accomplishments ay ang mga sumusunod. Sa larangan ng Socio-Cultural Development and Social Protection ay nagkaroon ng consultative meetings sa top 10 priority barangays, iba’t-ibang summit (Punong Barangay Summit, Youth Summit, Farmers’ Summit, Negosyo Summit, Cooperative Summit), malawakang pagtulong sa mga PWDs noong National Disability Prevention and Rehabilitation Week, at anti-bullying campaign sa paaralan.

Sa Agricultural Modernization naman ay naganap ang paglakad ng papeles para sa Bayambang Pump Irrigation Project, paglinang sa Langiran Lake bilang tourism site, pagtapos sa renovation ng Municipal Slaughterhouse, pilot mushroom production project, farm mechanization pilot project sa Pantol, malawakang backyard gardening, free land titling sa tulong ng DENR, at paglunsad sa Millennial Farmers’ Association of Bayambang.

Para sa Environmental Management and Disaster Resiliency, isinulong ang sabay-sabay na tree-planting sa 77 barangays, malimit na clean-up drives, pamamahagi ng 800 toilet bowls, at iba’t-ibang seminar at pagsasanay para sa BFP, POSO, at MDRRMO staff.

Sa larangan ng Good Governance, nariyan ang pagkapanalo sa pang-apat na SGLG Award ng LGU Bayambang, pagdala ng SGLG sa mga barangay, iba’t-ibang training ng DILG para sa mga barangay officials, skills training para sa mga empleyado ng LGU, at paglunsad ng Honesty Stores sa mga paaralan.

Sa Economic and Infrastructure Development, naisakatuparan ang pagtatapos ng Core Local Access Road Projects sa 77 barangays, pagtayo ng mga barangay hall at covered court sa maraming barangay, pag-install ng 91 CCTV cameras, at pipeline expansion project ng BayWad.

[smartslider3 slider=458]