Nagsagawa ng Orientation on Blood Donor Recruitment ang Department of Health sa ilalim ng kanilang National Voluntary Blood Services Program noong Agosto 10 sa Balon Bayambang Events Center.
Ito ay dinaluhan ng mga Barangay Health Workers, barangay officials, at barangay midwives.
Kasama sa orientation ang mga staff ng Rural Health Unit 1 at 2 sa pangunguna nina Dr. Paz Vallo at Dr. Adrienne Estrada.
Naroon din si Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez bilang kinatawan ni Mayor Cezar T. Quiambao na bumati sa mga participants at nagbigay-diin sa halaga ng blood donation sa maayos na daloy ng health service sa mga may matinding pangangailangan sa blood transfusion.
[smartslider3 slider=390]