Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Municipal Museum ay nakiisa sa pagdiriwang ng International Museum Day (IMD) 2023 ngayong araw, May 18, sa temang “Sustainability, Museums and Wellbeing.”
Ang selebrasiyong IMD ay taun-taong ginaganap upang ipaalala ang katuturan ng mga museo sa kumunidad at buhay ng mga mamamayan. Kaya naman nag-organisa ang Museum of Bayambang, Home of Innovation kasama ang Municipal Tourism, Information & Culture Affairs Office ng mga aktibidad, sa pakikipagtulungan ng Visualiztaz Art Club ng PSU-Bayambang.
Nagkaroon ng “Art Observation” at Art Seminar.
Sa umaga, itinampok sa Art Observation ang mga paintings ng dalawang Bayambangueño artist na sina Joseph Gumangan at Benny Gilbert Frias.
Sa hapon naman, magkakaroon ng isang kawili-wiling Art Seminar na dadaluhan ng mga mga mag-aaral. Dito ay guest lecturer si PSU-Bayambang retired Prof. Peregrino Larang.
Kasunod ng lecture ay ang Art Creation activity kung saan ipapamalas ng mga public high school students ang kanilang pagiging malikhain sa sining.
(Ray Hope Osmeña Bancolita/RSO; Ace Gloria)