Tinanggap ni Municipal Treasurer Luisita Danan at Municipal Assessor Annie de Leon ang isa na namang recognition para sa LGU-Bayambang. Ito ay ang pagiging Top 5 nationwide sa local revenue collection efficiency ng mga munisipalidad, base sa 2017 datos ng Bureau of Local Government Finance (BGLF).
Ang awarding ceremony ay ginanap sa Hotel Supreme, Baguio City noong 2nd Quarter Regional Conference with Provincial, City, and Municipal Treasurers and Assessors noong June 24, 2019, na dinaluhan nina BGLF Regional Director Peter D. Baluyan and OIC-Provincial Treasurer Marilou E. Utanes.
Sa 2017 collection target ng BGLF na PhP44,728,170.16, nakalikom ang LGU ng PhP111,020,329.14 na koleksiyon, na siyang nagresulta sa 248.2% collection efficiency nito. Ito ay panglima sa pinakamataas na local revenue collection efficiency sa 1,489 munisipalidad o bayan sa buong bansa, at pinakamataas sa Region I.
Ito ay maliwanag na resulta ng naging malawakang information and education campaign ng Municipal Assessor’s Office at Municipal Treasury Office tungkol sa pagbayad ng buwis, partikular na ng real property tax.
[smartslider3 slider=665]