Bilang pagtugon sa lumolobong kaso ng teenage pregnancy at suicide sa Bayambang, nagkaroon ng IEC ang RHU 3 na tinaguriang “Antay Kiss Campaign” (dating “Healthy Young Ones”) sa Moises Rebamontan National High School at Hermoza National High School nitong Mayo 8 hanggang 18. Naging focus ng IEC ang ukol sa teenage pregnancy, STI/HIV, COVID-19, at mental health. Kasama sa kanilang intervention program ang counseling sessions sa mga kabataang nangangailangan ng tulong. Naging lecturer at facilitator dito sina Rural Health Nurses Junel-lee Fernandez kasama si Christian Aquino. Sila ay nagturo sa mga Grade 9 hanggang Grade 12 students, at sa 712 na students, mayroong 245 ang binigyan ng counseling dahil sa iba’t-ibang dahilan, gaya ng family problems at mataas na expectation ng parents sa kanilang grade. Kanilang ipinaramdam sa mga kabataan na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga pinagdaraanang problema.