Noong June 20, nag-courtesy call kay Mayor Niña, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang mga contender ng Bayambang para sa IT Challenge for Youth with Disabilities ng provincial government na ginaganap ngayong araw, June 21, sa capitol grounds, Lingayen, Pangasinan.
Ang event ay may temang “Bridging the Gap in Digital Divide.”
Ang mga participants ay sina Mark John Reynosa (Grade 11) at Renz Baring (Grade 9) kasama ang coaches na sina Mr. Raffy Carungay at Ms. Angelus Ferrer ng Bayambang National High School.
Sila ay inasistehan nina Local Youth Development Officer Johnson R. Abalos at MSWDO Focal Person on PWDs Alta Grace Evangelista.