DSWD, Nagsagawa ng Provincial-Level Review Session para sa mga Bagong SLP

Nagsagawa ng orientation ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) para sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) noong ika-27 ng Hunyo sa Bayambang Polytechnic College.

 

Ang orientation ay pinangunahan ni DSWD-RO I Implementing Project Development Officer Gemalyn Labajeros, kasama sina DSWD-RO1 PDO II Johndel G. dela Cruz, DSWD Cluster Monitor District 2 Baby Jean Peralta, at DSWD Cluster Monitor District 1 Gabriel Catabay.

 

May 12 na benepisyaryong Sustainable Livelihood Program Associations (SLPA) mula sa iba’t ibang barangay ang napili at na-screen para maging bahagi ng programa. Layunin ng oryentasyon na matukoy ang skill set ng bawat SLPA upang mabigyan sila ng tamang pagsasanay para sa kanilang kabuhayan at upang matiyak na ang tulong na ibibigay sa kanila ay bubuo ng kita.