CDWs, Dumalo sa CDW Regional Convention

Ang mga Child Development Worker (CDW) ng Bayambang ay dumalo sa Child Development Worker Regional Convention sa Crown Legacy Hotel, Baguio City, noong June 5 at nakatakdang magtapos sa June 7, 2023. Ito ay bilang parte ng 2023 National Child Development Workers Week celebration, na may temang, “Child Development Workers: Katuwang ng Pamayanan sa Paghubog sa Batang Maka-Diyos, Makabayan, Makatao, at Makakalikasan.”

 

May 75 CDWs mula sa mga barangay at dalawang Municipal CDWs ang umatend, sa pangunguna ni Focal Person on Child Development Marvin P. Bautista ng Municipal Social Welfare and Development Office.

 

Sa convention ay nagkakaroon ng tatlong araw na seminar/training base sa pinakabagong kaalaman ukol sa child development service.

 

Magkakaroon din ng awarding ceremony para sa mga may matagal nang length of service na child development workers. Kabilang dito ang tatlong taga-Bayambang na sina Remedio A. Carida (Brgy. Duera, 20 years), Jennie M. Junio (Brgy. San Vicente, 25 years), at Virgie Biandilla (Brgy. Langiran, 20 years).

 

Ayon kay Bautista, ang registration fee ng mga CDW ay pinondohan ng mga barangay gamit ang Children’s Welfare Fund (CWF) na 1% ng barangay IRA.