Isa na namang pasyente ang agad-agad na natulungan ng LGU-Bayambang ambulance sa tulong ni POSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon.
Ayon sa nagrequest ng emergency rescue na si Sammy Lomboy, mabilis na nabigyan ng tulong si Gng. Lea Joson ukol sa mabilisang paglipat ng kanyang naaksidenteng anak mula sa Bayambang District Hospital patungong Region I Medical Center para ma-CT scan.
Nagpapasalamat din sina Lomboy at Joson kina Donnie de Vera ng Mayor’s Action Center at John Paul Domingo ng BPRAT na di nagdalawang-isip na umasiste sa emergency situation.