Public Hearing para sa Proposed Ordinance ukol sa Institutionalization ng Barangay SGLG, Project HAPAG, at Citizen’s Charter, Isinagawa

Nagsagawa ng isang public hearing ang Sangguniang Bayan ukol sa tatlong panibagong proposed ordinances, at ito ay ginanap ngayong araw, June 8, 2023, sa SB Session Hall, Legislative Building.

 

Ito ay pinangunahan ni Sangguniang Bayan Committee Chairman on Laws, Rules, Ethics and Privileges, Konsehal Amory Junio, sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho.

 

Ang mga proposed ordinances na isa-isang tinalakay ay ang mga sumusunod:

– An Ordinance Institutionalizing the Seal of Good Local Governance for Barangay Local Government Units and Allocating Funds and for Other Purposes

-An Ordinance Institutionalizing the Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project in the Municipality of Bayambang

-An Ordinance Institutionalizing the Citizen’s Charter of the Municipality of Bayambang, and for other Purposes

 

Nakilahok sa hearing sina Konsehal Benjamin S. de Vera, Konsehal Jose Ramos, at Konsehal Levinson Nessus Uy. Ang pagdinig ay dinaluhan ng 77 na Punong Barangay at mga LGU department head.