Bayambang, Nangunguna sa Rehiyon I sa MR-OPV SIA 2023 Implementation

As of May 18, ang bayan ng Bayambang ay nangunguna sa mga munisipalidad sa Rehiyon Uno sa mabilis na implementasyon ng Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity 2023, ayon sa report ng DOH matapos ang kanilang Rapid Coverage Monitoring.

Pinangunahan ang monitoring activity ni Dr. Clyde Gubatan mula DOH Regional Office kasama sina Joanne Villanueva-DMO IV, Dr. Paz Vallo-MHO, NIP Coordinators, DOH-HRH, at Brgy. Sanlibo, Brgy. Malioer, at Brgy. Telbang officials.