“Tapat Ko, Linis Ko,” Isinulong sa Pamilihang Bayan

Noong June 27, nagpaskil ang Office of the Special Economic Enterprise sa iba’t-ibang lugar sa loob ng pampublikong pamilihan ng mga tarpaulin signage kung saan nakasulat ang “Tapat Ko, Linis Ko” ayon sa P.D. No. 856 o Code on Sanitation in the Philippines.

 

Hinihikayat ng SEE na kung sino man ang mismong namamalakad sa negosyong nakapaloob dito ay panatilihin ang kalinisan para na rin sa ikabubuti ng pampublikong pamilihan, gayundin ang pagpapanatili sa tiwala ng mga mamimili na malinis din ang mga produktong kanilang binibili.

 

Inaasahang ang “Tapat Ko, Linis Ko” project na ito ay magbubunsod ng pagkakaroon ng sense of responsibility sa bawat stall owner sa Bayambang Public Market.