BNHS Students, Wagi sa Pangasinan IT Challenge for Youth with Disabilities

Itinanghal na 1st Placer at 3rd Placer ang dalawang estudyante ng Bayambang National High School, sa ginanap na Provincial IT Challenge for Youth with Disabilities noong June 21 sa capitol grounds.

 

Si Renz Baring ay nagchampion sa E-tool Microsoft Powerpoint category, kaya’t siya ang representative ng Pangasinan sa national I.T. Challenge.

Si Mark John Reynosa naman ay 2nd runner up sa E- Life Google Search category.

 

Kasama nila ang mga coaches na sina Mr. Raffy Carungay at Ms. Angelus Ferrer. Nagbigay suporta rin ang LGU sa pamamagitan nina Local Youth Development Officer Johnson Abalos at MSWDO Focal Person on PWDs Alta Grace Evangelista.