Kasabay rin ng naturang earthquake drill ay ang ICTO Disaster Recovery Drill na isinagawa upang masubok ng mga ICTO staff ang kanilang kakayanan na agarang maibalik ang internet connection at mapagana ang mga importanteng applications kung sakaling magkaroon ng malaking pinsala sa main internet ng Munisipyo.
Malaki ang maitutulong ng mabilisang pagrestore ng internet connection nang sa gayon ay agad na maireport ang naturang sitwasyon sa mga kinauukulan at mabigyan ng agarang saklolo ang mga posibleng biktima.
Ayon sa kanilang pagsusuri, umaabot sa 1 minuto at 35 na segundo bago matagumpay na ilipat ang internet connection ng mga departamento ng Munisipyo sa back-up Internet Service Provider (ISP) ng LGU mula sa main o primary ISP nito.
Ang aktibidad na ito ay parte ng adhikain ng bayan ng Bayambang na maging isang smart town.