- Nakumpleto noong June 2 ang delivery ng 5,895 bags ng tig-20 kilo ng rice inbred seeds galing sa PhilRice-Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Kaya nitong taniman ang 2,947.5 ektarya ng sakahan, ayon ulat ng Municipal Agriculture Office. Matapos ang hakutan, ipinamahagi ang bagong seed allocation sa mga rice farmers sa Brgy. Amanperez Covered Court mula May 29 hanggang June 7.
- Pinangunahan ang unang bugso ng pamamahagi nito ni Vice-Mayor IC Sabangan sa nasabing venue.