LGU-Rosales, Nagbenchmarking sa MRF

Bumisita ang mga opisyales ng LGU-Rosales, Pangasinan noong Mayo 4, 2023 sa Bayambang upang mag-lakbay aral sa Materials Recovery Facility ng bayan sa Brgy. Dusoc.

 

Sila ay sina Municipal Administrator Manolo Quiambao, MENRO Designate Anne Bulatao, Consultant Fiel Pagila, Reynaldo Faustino at Glen Casareno ng Rosales MRF, at MENRO staff Maria Cristina Gico.

 

Ang grupo ay nagcourtesy call sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao at sinalubong nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad; Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael L. Saygo; at MENRO Joseph Anthony Quinto.

 

Matapos nito ay kanilang inalam ang best practices ng Bayambang MRF, kasama ang MENRO at si Supervising Environmental Management Specialist (SEMS) Eduardo Angeles Jr.

 

Ang mga bisita ay nagpapasalamat sa nakita nilang mahusay na implementasyon ng RA 9003 ng Munisipyo at natuwa nang mabalitaan ang tungkol sa proyektong Bali-Balin Bayambang (BBB) ni Mayor Niña dahil sa incentive mechanism nito, pati na ang IEC at papel ng mga barangay. Nais anilang gayahin ang BBB sa bayan ng Rosales.

 

Kinikilala ng ibang LGU sa Pangasinan ang MRF ng Bayambang dahil sa compliance nito at operational facilities, ayon sa DENR.