- Noong May 2, nagsimulang imonitor ang MDRRMO ang mga early warning bells na kanilang ipinamahagi sa lahat ng barangay at public schools, upang masigurong ang mga ito ay maayos na magagamit kung sakaling kailanganing magbigay ng babala.
- Kasabay nito ay ang pamimigay ng mga information materials sa lahat din ng barangay at public schools tungkol sa kung ano ang mga dapat gawin kapag nagkaroon ng lindol, sunog, at baha. Ito ay upang magkaroon ng kahandaan ang publiko sa oras ng panganib.