Bilang pakikiisa ng pagdiriwang ng Women’s Month, nagsagawa ang SK Federation, sa pangunguna ni Councilor Gabriel Tristan Fernandez, ng isang educational activity sa Beleng National High School kung saan may 50 na estudyante ang nakilahok. Sila ay natuto ng mga kaalaman tungkol sa mga karapatan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng lahat anuman ang kasarian. Naging panauhing pandangal si Vice-Mayor IC Sabangan sa naturang aktibidad.