Patuloy ang DSWD kasama ang BPRAT sa pag-iikot sa 10 target barangays upang ipaalam sa mga prospective beneficiaries ang ukol sa panibagong implementasyon ng ahensya ng Sustainable Livelihood Program (SLP) nito.
Noong April 21, ang team ay nagtungo sa Brgy. Ambayat 2nd Covered Court, Brgy. Apalen Covered Court, at Brgy. Carungay Covered Court para sa kanilang information campaign.
Ayon kay DSWD SLP Implementing Project Officer Gemalyn M. Labarejos, kabilang sa panukalang livelihood projects na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P3.75M ay:
– bigasan sa Brgy. Sancagulis, Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Tatarac, at Carungay,
– palay/mais buying sa Brgy. Apalen,
– water refilling/agri supply/bigasan/canteen sa Brgy. Pantol,
– general merchandise (grocery at bigasan) sa Brgy. Malioer at Brgy. Paragos, at
– bigasan/agri supply sa Brgy. San Gabriel 2nd.